Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa, ‘di na mapaghihiwalay!

Sila ba o hindi sila? Ito ang tanong ng publiko tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Although they are often spotted together and are very vocal kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, wala pa ring malinaw na pag-amin mula kina Oyo at Tintin hanggang ngayon. It’s obvious that they are in-love with each other. Iba ang ngiti sa kanilang mga labi at pati ningning ng kanilang mga mata.

Iba ang gut feel ko – I think the truth was staring us in the face all the time. Para tayong naglalaro ng isang malaking jigsaw puzzle – we have to put together small and interlocking pieces to produce the complete picture.

So, what is the real score between Tintin and Oyo? The two are inseparable. They go to the gym, he helps her with some errands and they watch movies together.

Tintin and Oyo star on ABS-CBN’s Precious Hearts Romances Presents: Quikilig – Lumang Piso Para sa Puso. Hindi na talaga maikakaila ng dalawa ang kanilang espesyal na pagtitinginan at maging ang mga staff at crew ng series ay saksi sa kanilang sweetness.

The “rumored lovers” would take care of each other on the set. “Kahit ‘di niya eksena ay mag-i-stay iyan. Kahit na mainit iyong location, kahit na dapat nasa tent na siya ay sasama siya dahil gusto lang niya akong samahan,” kuwento ni Tintin tungkol kay Oyo. Ayon kay Oyo, “Si Tin pagdating sa akin, maalaga rin naman. Lagi niya akong iniisip kahit pagod na siya.”

It seems like there’s an indication of their “more than friends” status when Tintin said, “It comes out naturally, so hindi ko kailangan mag-effort masyado para mapansin niyang inaalagaan ko siya. Kung ano iyong lumalabas, iyon na!”

Aminado silang walang ibang taong nagpapasaya sa kanila kundi ang isa’t isa. “Mahirap iyong labeling. Ayoko rin iyong exclusively dating. Oo nga, siya lang iyong kinikita kong girl, ako lang iyong kinikita niyang guy. Mas gusto ko na iyong nakikita ng tao. What you see is what you get. Kung ano sa tingin ninyo kami, eh, ‘di sige bahala kayo,” Oyo said.

When asked about their message for each other, Oyo said “Patuloy kitang mamahalin at aalagaan. Lagi lang akong nandito para sa iyo.” Sabi ni Tintin, “Alam naman niyang we feel the same way for each other. Alam mo naman na love kita.”

Love, love, love!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

12 thoughts on “Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa, ‘di na mapaghihiwalay!

  1. Hintayin mo na lang at malapit na silang magpakasal at bubuo ng isang DISENTENG PAMILYA di tulad ng mga nasa showbiz ngayon na inanakan si ganito ni ganyan at nabuntis ni ganito si ganyan at mga artistang hubadera na ang totoo palang Dios ay si Satanas.Wala sa mga utos ng Dios ang maghubad kaya pag biglang kinuha ang mga yan at too late na para magsisi diretso na ang mga iyan sa IMPYERNO.Laos na kung laos kung malapit naman sa Dios okay lang.

  2. …. DI NA SILA PINAPANSIN NG MGA TAO. NAKAKASAWA AT NAKAKALITO SILA. KUNG SINO SINO MGA MINAHAL NILA FROM THE PAST. DI NA SILA BAGETS. MAG PAKASAL NA LANG SILA, THEN BUSINESS O POLITICS NA LANG SILA. THATS THE BEST ALTERNATIVE. PAG AARTISTA? WALA NA, BASANG BASA NA SILA. DI NA BOBO MASA NGAYON. PAYO NI DATING FANS.

  3. PAANONG NAGING MABABA ANG LIPAD NILANG DALAWA?SI KRISTINE HINDI NAKIPAG LIVE-IN DI TULAD NI SAWANA NA PINAGSAWAAN NA NG MGA LALAKI AT DI MAN LANG PINANGAKUAN NG KASAL.KAWAwANG NILALANG.

  4. Pareho silang palipat lipat ng pugad, parang mga ibong mababa and lipad. NAKAKASAWA NA. Si Krisitine, ikinasal na kay Diether, si Oyo marami ng naging chikas. Magbago naman kayo ng image, matatanda na kayo at hindi na mga bagets.

    • HOY POKPOK! WAG MONG IPARIS SI KRISTINE SA IYO NA MABABA ANG LIPAD. INGGIT KA LANG SA KANYA DAHIL WALA KA SA KALINGKINGAN NG GANDA NYA, BWAHAHAHAHA! PUSTAHAN TAYO O, KUNG AFFORD MO LANG ANG MAGPA BELO O CALAYAN, SIGURADO AKONG ISA KA RIN SA MGA SUKI NILA. :-)
      PUNTA KA NA LANG SA BAYBAY DAGAT AT MANG-HUNTING KA DUON.

    • sawanang pokpok! may kilala ka bang artista na nag stick 2 one lang? umpisahan mo na sa mga artista ng gma at tingnan ko ang galing mo, idiot! at least si kristine kahit na nagbu-boyfriend eh hindi naging dalagang ina at hindi nangangabit di tulad ng iba dyan na relihiyosa kuno pero laging nasasabit sa kung ano-anong issue. ang lakas pa ng loob na magsabi ng “that’s why there’s heaven and hell”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.