Oyo Boy, ‘di nagugustuhan ang pakikipagrelasyon ni Vic sa sobrang batang babae!

HINDI LANG naman para kay Pauleen Luna ang parunggit ni Oyo Sotto sa kanyang twitter account tungkol sa hindi niya nagugustuhang pakikipagrelasyon ng kanyang daddy sa kung sinu-sinong mga babae, lalo na ‘yung mas bata na halos kung ihahanay kina Oyo at Danica Sotto ay parang mga kapatid na lang nila. Minsan lang naman kasi nagsasalita ang mga anak ni Bossing kapag mayroon na silang kailangang pansinin.

Ilabas muna natin sa kuwento si Pauleen. Pero ang totoo, hindi naman nalilihim kina Oyo at Danica na sobrang lapitin ng mga babae ang kanilang daddy. Tumbukin na rin natin, na dahil madisiplina sa pera si Vic, simple lang siya at hindi naipapangalandakan, pero napakayaman na niya. Sino ba ang unang dapat magprotekta sa kanilang mga magulang kundi ang kanilang mga anak? Doon nanggagaling ang damdamin nina Oyo at Danica, at karapatan nila iyon.

Consistent si Oyo sa kanyang ugali, na nagsasalita kapag mayroon siyang gustong ilabas. Wala siyang paliguy-ligoy lalo na kung tungkol sa kapakanan ng kanilang pamilya. Hindi lang naman tungkol sa kanyang daddy siya naglilitanya ng tungkol sa kanyang mga gustong ipunto. Noong nagkaroon din ng isyu ng ligawan tungkol sa kanyang Mommy na si Dina Bonnevie at kay Diether Ocampo ay hinarap niya ang isyu, at sinabing hindi rin siya pabor sa ligawang iyon, dahil parang magkapatid na lang sila sa edad ni Diet. Si Dina nga, bilang Mommy ay bilib at natatameme kapag si Oyo na ang nagsalita.

 

USAPIN PA rin ng sex appeal ng isang beterana sa mga bagets. Talaga palang malakas ang pang-akit ni Jean Garcia sa mga kabataan. ‘Yung tipong kapag pinagtabi mo sila ng kanyang anak na si Jenica Garcia, ay kakabugin pa ng byuti niya ang kanyang panganay. Kasi nga,  makatawag-pansin siya sa mga bagets na kalalakihan. Nakatsikahan kasi namin ang baguhang young actor na si Jacob Miller sa press preview ng pelikulang Bola ng R and B Entertainment at Amazing Production, at si Jean daw ang aktres na crush niya sa showbiz.

“Crush ko si Miss Jean Garcia, dahil hindi nakakasawang tingnan ang kanyang hitsura. Maganda ‘yung kanyang mukha.  Na kahit mommy na siya, ay hot mama talaga ang dating niya. Walang problema sa akin ‘yung agwat ng edad. Puwede akong makipagrelasyon sa babaeng mas may edad kesa sa akin, pero gusto ko’y hawig kay Miss Jean,” wika ni Jacob.

Mahiyain pa si Jacob magpainterbyu sa press, dahil baguhan pa lang siya. Pero kapag tumatagal na ang interbyuhan ay ganado na siyang magkuwento. Ang role niya sa movie ni Arnell Ignacio ay si Brat, isang basketball player sa kanilang barangay. Maganda ang body at height ni Jacob. Wala siyang limitasyon sa larangan ng pagpapaseksi. Marami siyang seksing eksena sa Bola katulad ng pag-jingle niya sa tabi ng bangka, ang pagpapa-blow job sa tabing-dagat at ‘yung habang natutulog siya ay dinukot niya at hinaplus-haplos ang kanyang harapan. Siya ‘yon.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Oyo Boy, ‘di nagugustuhan ang pakikipagrelasyon ni Vic sa sobrang batang babae!

  1. @Alex… sa lahat ng nagsabing “nobody is judging here”, ikaw lang ang hindi papasa sa lie detector test.
    si pauleen, malibog yan kasi alam nya ang age gap nila at pwede nyang bustedin si bossing pero di nya ginawa. pera at etits ang habol nyan.

    lastly, anong masama na tawagin ang isang tao na “bossing”?

  2. Mas matino pa pala itong si OYO BOY kesa tatay niyang ma-elya! grabe kc tatay niya… pedophile na yata yun! kailangan magpa-shrink!

  3. we all know naman na hindi din magtatagal sina vic at pauleen. enjoy lang nila ang panandaliang kaligayahan nila. to ate alex, teh sinasabi mong di ka judgemental pero ateng obvious na obvious na u r criticizing vic sotto and her whores? opinion mo yan ateh pero again, halatang halata na pinupuna mo ang pageenjoy ni vic, goodluck sayo teh at last but not the least, ang galing galing mong mang ingles! HAHAHAHAHA! infairness ateng, pang mayaman ang mga words mo! papasang writer dito pinoy parazzi HAHAHAHA!

  4. Obviously, ageing actor and not-so-funny VIC SOTTO is at his best again scoping the attention of lesser mortals to his being the living Lothario of the industry. He has in the past a string of women beaded into his name and donated sperm to some of them for a child or two. He is such a hottie that almost every wide-eyed upstart beauty would love to have him woe them to his lair for a pleasurable but definitely sinful relationship. Nobody is judging here. Its just that, what should be a private , such as sexual affairs should be kept as that especially that he too muddled up with the masses. Kids might think it cool to be having more that just one partner, totally regressing the moral stature of our society. This time, two young girls with what we might call exploitative habits are attached to his name. Pauleen Luna, who openly visits Vic Sotto in his tapings in TV5 while Niña Jose outrightly declares that she is being courted by the ‘bossing’ (a sick, patronizing namecall I should say!). Well, let him be. For all we know he is merely ‘reminiscing’ his lost vigor and deteriorating stamina!

  5. Kung sa pamilya ni Pauleen Luna,okay lang na pagkainteresan siya ng isang taong parang tatay niya na pero mayaman,sikat at maimpluwensya pero sa pamilya ni Vic Sotto lalo na kay Oyo na maprinsipyo,hindi niya kukunsintihin ang tatay niya.He knows God doesn’t approve this kind of relationship w/c is based on lust.Wala ngang discernment na sila’y para sa isa’t isa.Nanaig lang talaga ang makataong pagnanasa.Pauleen likes the attention of men when she wears skimpy clothes while grinding in a sensual dance moves.

Leave a Reply

Your email address will not be published.