OWWS?! BILLBOARD NI IZA CALZADO, SWIMSUIT LANG ANG NIRETOKE!

SINANG-AYUNAN NI QUEENIE Padilla ang kapatid nitong si Kylie Padilla nang sabihin ng huli na mabait daw ang nali-link ditong si Aljur Abrenica. Gaya ng papa nilang si Robin Padilla, na-meet na rin daw ni Queenie ang binata. Ganoon din daw ng kanilang stepmom na si Mariel Rodriguez. Hanga rin daw ang ate ni Kylie sa pagharap at pagpapakilala ni Aljur sa kanyang sarili kay Robin.

“Sana nga hanggang huli maging matapang siya,” sabi pa ni Queenie.

Kahit daw ang ka-loveteam ni Kylie na si Derrick Monasterio ay nakilala na rin ni Queenie. Mabait din daw si Derrick. Hindi lang masabi ng young actress kung sino kina Derrick at Aljur ang gusto niyang maging boyfriend ng kapatid kung saka-sakali.

HINDI MAKAPANIWALA SI Iza Calzado sa sinabi ng Flawless owner na si Ms. Rubby Coyiuto na walang ni-retouch, inayos o ginawang photoshop sa mukha o katawan niya sa seksing billboard n’ya sa kahabaan ng EDSA at sa iba’t ibang mga lugar pa.

Sa sobrang humble ng mahusay na aktres, pakiramdam niya, kahit paano raw ay may ni-retouch sa kanyang picture na ginamit sa billboard, dahil hindi naman daw siya perfect.

Ang ginawa lang daw ng Flawless, pinagmukhang one-piece ang suot na swimsuit ni Iza na originally ay may butas sa bandang tiyan at tagiliran na hindi nakapasa sa Ad Board.

Hindi naman daw napansin ni Iza na nabago ang suot niyang swimsuit nang una n’yang makita at ng kanyang boyfriend na si Atticus King ang billboard, dahil ang tiningnan n’ya raw mabuti ay ang kanyang mukha.

SOBRANG NATUWA KAMI nang mapanood namin last Saturday night ang fireworks display na ginawa ng mga bansang China at France sa ikatlong Sabado ng The 2nd Philippine International Pyromusical Competition na ginaganap sa Seaside Boulevard sa SM Mall of Asia and organized by Mr. Joel Sta. Ana of Platinum Fireworks.

Tumatayo ang aming mga balahibo sa kamanghaan at para lang kaming nasa kalawakan sa ganda ng magkasunod na fireworks display na pinamalas ng dalawang bansa na parehong nagtagal ng higit sampung minuto.

Masaya ring nanood si former MMDA chairman Bayani Fernando at asawa nitong si former Marikina City mayor Marides Fernando. Dadalo naman daw sa March 5, Saturday, ang nagbabalik-showbiz na si Pateros councilor Daisy Reyes ng teleseryeng Mutya.

MUKHANG TAPOS NANG mag-dinner ang respetado at mahusay na aktres na si Gina Pareño kasama ang kanyang anak na si Racqel at apong babae nang makita namin sila na nakapuwesto sa gilid ng glass wall sa loob ng Max’s restaurant sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City nu’ng isang gabi. Nakatungo lang habang nagte-text si Gina.

HUMANGA KAMI SA episode ng ASAP Rocks last Sunday na ginawa sa Davao. Deadma sa gitna ng ulan ang mga hosts at mga guests na nag-perform. Nakakatuwang panoorin sina Piolo Pascual, Luis Manzano, Bea Alonzo at Anne Curtis, to name a few, na naka-raincoat at payong. ‘Yung iba nga sa mga performer, gaya nina Bangs Garcia at Jake Cuenca ay keber talaga sa pagsayaw, kahit nauulanan, makapagbigay-saya lang sa mga kapamilyang Davaoeño.

Naloka lang kami nang lu-mabas bigla sa bibig ng young actor na si John Manalo ang salitang ‘bongga’ na tila na-taranta sa kanyang sasabihing spiel. Maging ang mga kasamang co-stars nito sa Mara Clara na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes at Albie Casiño ay parang mga nalito rin sa kanilang spiels.

Isa pang napansin namin ay nang biglang sabihin ni Jewel Mische na “every Saturdays” daw ang teleserye nila ni Ge-rald Anderson na Buhawi Jack na dapat ay walang “s” sa dulo kapag ginagamitan ng salitang every ang kada-araw o ang salitang weekend.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.