Overseas Voting, Maayos – Comelec

MAGANDA ANG takbo ng unang araw ng Overseas Absentee Voting (OAV) sa ilang bansang may malaking populasyon ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na sumaksi sa proseso ng halalan sa Hong Kong.

Pero aminado ang pinuno ng poll body na nagkaroon pa rin ng ilang aberya ngunit hindi naman ito nakaapekto sa mismong eleksyon.

Kabilang na ang pagkaubos ng indelible ink na bahagi sana ng mahigpit na monitoring upang maiwasan ang pag-ulit ng mga botante.

Gayunman, maitutu-ring lamang umano itong maliit na problema dahil halos kilala naman ng mga tao sa voting center ang lahat ng nakikibahagi sa overseas voting.

Samantala, sa kabuuan, halos 1,000,000 ang bilang ng inaasahang lalahok sa isang buwang programa para sa mga kababayan nating nasa ibayong dagat.

Sa ngayon, kabilang sa malaking volume ng mga botante ay mula sa Middle East na may 281,372; pumapangalawa ang Asia na may 228,309; pangatlo ang America na may 125,604; sinusundan ng Europe na nakapagtala ng 75,666, habang ang mga seafarers naman ay nasa 26,808.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.