Outstanding Barangay, Pararangalan

SINIMULAN NI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco ang “Programang Search for Navotas Outstanding One Barangay, One Product”.

Layon ng nasabing programa na suportahan ang Vision at Mission ng lungsod, ang Navotas Livelihood Program kung saan kinakailangan ang mabilisang pagbabago, pag-angat ng ekonomiya, para mapataas ang antas ng kabuhayan ng mga Navoteños.

Labing-apat na barangay ang kasali sa nasabing programa na kinabibilangan ng Barangay San Rafael Village, (Nego Cart Business), North Bay Blvd. South (Pinoy Hilot), North Bay Blvd. North (Bangus Deboning), Navotas East (Adobong Tahong de Navotas), Navotas West (Relyenong Bangus), Bagumbayan South (alamang Salting) at Bagumbayan North (Squid Ring), Bangkulasi (Fish Embutido), Sipac Almacen (Dried fish), San Jose (Souvenir Items), Daang Hari (Processed Meat), San Roque (San Roque Patis), Tangos (Improved Facilities for Shrimp Salting) at Tanza (Fish noodles).

Ang 1st prize ay tatanggap ng P50,000 (worth livelihood assistance plus plaque of recognition), 2nd place P30,000 (worth livelihood assistance plus plaque of recognition), at 3rd place P20,000 (worth livelihood assistance plus plaque of recognition). (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.