Outing, Nauwi sa Trahedya; 1 Patay sa Lunod

NAUWI SA trahedya ang sana’y masayang outing ng magkakaibigan sa Sariaya, Quezon.

Ito’y matapos malunod ang biktimang si Jay-ar Andresa, 22, ng Laguna.

Ayon kay PO1 Dennis Norbe, nabatid na nagkayayaang mag-swimming ang magkakaibigan sa Tagisgis Beach Resort ngunit habang naliligo ay bigla na lamang tinangay ng malakas na agos ng tubig si Andresa.

Bagama’t nadala pa sa San Juan Doctor’s Hospital sa Batangas ay hindi na rin nailigtas ang biktima.

Samantala, nabatid na ang nasabing resort ay delikadong paliguan dahil halos taon-taon umano ay may nalulunod kung saan si Andresa ay pangalawa na sa mga namatay nga-yong taong ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.