Outbreak ng Tipos, 100 Katao ang Nabiktima

AABOT SA 100 katao na residente ng Barangay Maybucog, Maydulong ang biktima ng sakit na typhoid fever o tipos.

Ayon sa Department of Health (DOH) Region 8, Huwebes nang magsimulang tumaas ang bilang ng mga biktima sa Maybucog Health Center dahil sa inirereklamo ng mga ito na isang linggo na ang lagnat nila at iba pang nakikitaan ng sintomas ng tipos.

Sinabi naman ni Boyd Cerro, DoH-8 regional sentinel nurse, posibleng kontaminado ang tubig na ininom ng mga biktima dahil sa kawalan umano ng chlorine na inilalagay sa pinagkukuhaan nito.

Ikinabahala naman ng mga lokal na opisyal ng Eastern Samar ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga biktima, kung saan ilan sa mga ito ang naka-admit sa Eastern Samar Provincial Hospital, Quinapondan Hospital at isang pribadong ospital sa Borongan City.

Ang typhoid fever ay sakit na nakukuha galing sa kontaminado na pagkain at kadalasan ang dahilan nito ay pag-inom ng kontaminadong tubig.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Outbreak ng Tipos, 100 Katao ang Nabiktima

  1. Pingback: Outbreak ng Tipos, 100 Katao ang Nabiktima - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.