Out of school youth, tinipon sa Navotas

TINIPON ANG mga kabataan na pawang mga out-of-school youth o ang mga batang walang kakayanan na makapag-aral sa Navotas City. Ito ay para maturuan nang maayos at mabigyan ng kaalaman.

Mismong ang mga kabataang Navoteño ang nagpasimuno para magsagawa ng libreng orientation. Ito ay ang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education and Global Peace Association Philippines.

Sa 14 na barangay sa lungsod, una nang sinimulan sa Barangay North Bay Boulevard South sa tulong ni Punong Barangay Bong Manalo, at binigya ng orientation ang mga kabataan lalo na ang mga hindi nakakatuntong sa paaralan.

Ikinatuwa naman ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang naturang proyekto, kung saan isa sa mga prayoridad niya ay ang kahalagahan ng edukasyon ng mga Navoteño.

Na sa katunayan ay nakikipag-ugnayan pa ito sa mga guro at prinsipal sa iba’t ibang pampublikong eskuwelahan sa lungsod upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

“Sa taong gustong matuto at nag-aaral ay walang tinatawag na mangmang o bobo,” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.