Our Lady of the Manaoag, Malugod na Tinanggap sa Bulacan

NAGTIPUN-TIPON ANG mga Bulakenyong deboto at empleyado ng pamahalaang panlalawigan sa Kapilya ng Sto. Niño de Hiyas kahapon ng umaga upang salubungin ang pilgrim image ng Our Lady of the Manaoag sa Malolos City.

Ayon kay Bulacan Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, layon ng nasabing pagbisita na mailapit ang Mahal na Birhen sa mga Bulakenyo.

“Ang pag-request natin sa Mama Mary’s Movement na dalhin ang imahe ng Birhen ng Manaoag dito sa ating lalawigan ay isang panawagan na patuloy pa rin tayong magdasal at magpasalamat sa walang humpay na paggabay ng Mahal na Birhen sa ating lalawigan,” dagdag pa ni Alvarado.

Pagkatapos ng vigil sa Capitol Lobby, dadalhin ang nasabing imahe sa Bulacan Medical Center, Bulacan Provincial Jail at ilang mga lokal na pamahalaan sa Bulacan tulad ng Pulilan, Calumpit, Hagonoy, Paombong, at Bulakan hanggang sa Disyembre 3.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Mama Mary’s Movement Foundation (MMMF) Founder Bro. Jiggers Alejandrino para sa mainit na pagtanggap ng lalawigan sa nasabing imahe.

“Sa Provincial Capitol namin napili so that everybody can come and pray. We want to unite everyone in love and prayer regardless of race, color, or creed as Mama Mary’s family,” ani Alejandrino.

Ang Mama Mary’s Movement Foundation ay isang rehistradong non-stock, non-profit religious foundation, na naglalayong mahilom at mailapit ang lahat ng tao sa kabila ng kanilang kulay, lahi at paniniwala kay Hesus sa pamamagitan ni Inang Maria.

(TONY DELA PEÑA)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.