Other woman ni Aljon Jimenez, pinagtawanan lang ni Manilyn Reynes

NAGSALITA NA AKO sa Startalk tungkol diyan sa inilabas na audio tape ng pag-uusap namin noon nina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho at ng mga abugado nila na inilabas na naman ng abugado ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad.

Nakakapagod na ha! Lumabas na iyan noon na edited, at ngayon lumabas na raw ang buo pero tingin ko hindi pa rin buo iyan dahil halos tatlong oras ‘yung miting namin noon, kaya kulang pa ‘yan no!

Pero ilabas man nila nang buo o hindi, wala naman akong itinatanggi du’n sa pag-uusap namin.

Ang ikinaiirita ko lang, naliligaw na ang isyu. Tapusin na muna iyang sex video na iyan na ginawa ni Dr. Hayden at dapat na matanggalan na siya ng lisensya sa pagka-doktor dahil inamin na nga niyang siya ang may gawa nu’ng sex video nila ni Katrina Halili, Maricar Reyes at iba pang babae. Inamin din niyang nag-drugs siya, kaya ano pa ang kulang para hindi madesisyunan iyan? Baka mamaya ‘pag tumagal pa iyan, ang lumabas na may gawa nito lahat at may pakana at nagkalat nito, ako na!

Sa totoo lang, nag-e-enjoy na nga iyang si Hayden, at nakita ‘nyo naman sa huling interview niya maganda na ang ngiti niya.

Ang tanging pagkakamali ko lang, madaldal lang ako kaya ako ang iniipit na nila sa isyung ito.

Basta ang masasabi ko lang, tapusin na iyang isyu ng sex video na iyan, huwag na ibaling sa akin ang isyu dahil nangialam lang naman ako at nagdaldal. ‘Yun lang ang ginawa ko! Balikan n’yo kung sino ang may kagagawan nito at kung sino ang nagkalat nito lahat.

GUEST DIN PALA namin si Manilyn Reynes sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado dahil nagpu-promote ito ng SRO Cinemaserye kung saan siya ang gaganap na Eva Castillo na tampok sa bagong episode ng SRO.

Muling nilinaw ni Manilyn na hindi naapektuhan ang pagsasama nila ng asawa niyang si Aljon Jimenez nang lumabas iyung isyung may ibang babae raw ito na nangugulo sa kanila sa Facebook.

Pinagtatawanan daw nila ni Aljon nang lumabas sa Facebook ang babaeng iyon kaya ayaw na niya sanang patulan ito.

Walang pagdududa at never daw nagulo ang pagsasama nilang mag-asawa kaya sorry na lang dahil hindi nagwagi ang paninira nitong babaeng nanggugulo sa kanila sa Facebook.

Ilang beses na palang inaalok si Aljon na bumalik sa pag-aartista pero tumatanggi ito.

Meron naman daw itong business na inaasikaso at may nagawa na nga itong mga commercial at meron na rin siyang naidirek.

Happy na raw siya sa kalagayan niya ngayon at hinayaan na raw niya si Manilyn na lang ang nasa showbiz.

Baka isipin ng iba na si Manilyn lang ang kumikita sa pamilya dahil ito lang ang nakikita, mali raw iyan. Maganda raw ang takbo ng negosyo nila na pinamamahalaan ni Aljon at may sariling career daw ang asawa niya at maganda ang kita nito. Kaya huwag na raw silang intrigahin at tigilan na sila nitong babaeng nanguggulo sa Facebook dahil wala, as in wala lang daw itong mapapala. Masayang-masaya silang mag-asawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Other woman ni Aljon Jimenez, pinagtawanan lang ni Manilyn Reynes

  1. belo guilty guilty guilty-puwera na lang kung gagamitan ng pea–tama ang sabi pera-pera lang yan–si lolit kung saan ang pera don siya-kapalmuks talaga kahit kelan

  2. Guilty si Lolit. Isa siya sa mastermind. Si Belo, guilty rin. Inilaglag ni Belo and company si Lolit dahil siya lang ang puwedeng makasuhan. Sinasaksak na sa likod si Lolit nang bestfriend niyang si Belo and company. Lolit, ingat ka rin kay Butch Francisco. Bayaran iyan ni Belo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.