Ospital ng Tondo, Nasunog

NAGDULOT  NG pangamba sa mga pas-yente ng Ospital ng Tondo (OSTON) ang  sunog na nagsimula sa rooftop ng gusali, sa J. Abad Santos, Tondo, Maynila, kamakailan.

Dahil dito, agad na inilipat ang mga nakaratay na pasyente sa  ika-3 at ika-4 na palapag ng OSTON sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), Mary Johnston  Hospital; at Mary Chiles Hospital, ng mga staff ng ospital  kaya wala namang nasaktan.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-7:50 ng gabi, sa laundry room na nasa rooftop, at naideklarang fire out dakong alas-8:23 ng gabi, na umabot lamang sa ikalawang alarma.

Dahil dito, pansamantalang hindi tumanggap ng mga bagong pasyente ang OSTON, hanggang kahapon  at balik sa normal ang operasyon ngayong araw.

Ayon kay OSTON director Dr. Isaias Cando Jr., nililinis pa nila at inaayos ang mga naapektuhang bahagi kaya para sa emergency cases lamang ang kanilang matutugunan.

Samantala, nagtataka umano sila dahil nang maganap ang sunog ay walang tao sa laundry room, na siyang sinisiyasat pa rin ng Arson investigator ng Manila Fire District.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.