Ospital, Hinagisan ng Granada: Sanggol, Patay; Ina, Sugatan

HINAGISAN NG granada ang isang ospital sa Malvar St., Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato, Miyerkules ng madaling-araw.

Sinabi ni Provincial Police Director Senior Superintendent Danilo Peralta na  isang mag-ina ang tinamaan sa pagsabog kung saan nasawi ang sanggol habang nasugatan ang ina.

Base sa inisyal na ulat, tumama sa bubong ng Kabacan Specialist Hospital ang granada at bumagsak sa bahay ng isang Adelida Aguinaldo kung saan naroon sina Sohanina Buisan Eliarda at ang anim na buwang gulang nitong anak na si Chelsy Jaye Buisan.

Sa ngayon, patuloy namang inaalam kung sino ang may pakana at ano ang motibo sa pagpapasabog sa ospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.