Osmeña, tinira si PNoy

MATAPOS SABIHING isang “awful” manager si Pangulong Benigno Aquino III, itinuon naman ni Senador Sergion Osmeña III ang kanyang pansin sa mga tinatawag niyang NPA o “non-performing assets” sa Gabinete.

Nais ni Osmeña, na kaalyado ng Pangulo, na palitan na ang mga sinasabi niyang NPA.

“Ang dami nilang NPAs diyan sa Gabinete, Non-Performing Assets. Eh, palitan naman ninyo. Nagmamadali na tayo kasi last two years na eh,” sabi ng senador sa isang interbyu sa radyo.

Nauna nang hiniling ni Osmeña na tanggalin na ng Pangulo sa puwesto si Energy secretary Jericho Petilla.

Inihalimbawa ng senador ang pagkabigo ng gobyerno na solusyunan ang problema sa kuryente.

“‘Yung nangyari po nga-yong 2014, kasalanan pa ni Gloria Arroyo ‘yan. Ngunit, next year, 2015, kasalanan na ni [Aquino] ’yan, sapagkat he should have done something in 2010 to alleviate any power problem in 2015, ganun kahaba ang lead time na kelangan mo sa power,” aniya.

Aminado si Osmeña na masyado siyang dismayado sa naging trabaho ng Pangulo, bagama’t hindi raw siya nagsisisi sa kanyang desisyon na tumulong sa kampanya ni PNoy noong halalang 2010.

“Hindi naman sapagkat up to this time, looking at the batch of candidates who were available in 2010, I think he was still the best candidate. And if I have to make my decision all over again, I would have come to the same decision,” sabi ng senador.

“But I am also very disappointed, nahihiya po ako sa taumbayan, na nag-under perform siya. Kasi kung kaya mo mag-drive ng 80mph, bakit ka nag-30mph? ‘Yun lang ang question ko,” he said.

Tinira rin ni Osmeña ang nasabi kamakailan ni PNoy na nagbigay ng babala sa pagboto sa mga ‘ampaw’ na kandidato.

“We are all guilty of being ‘ampaw’ in a little way, or in a big way, depende iyan. I think that the Aquino administration might also be called ‘ampaw’ sapagkat marami silang hindi ginawa na magagawa nila,” aniya.

Nasabi rin ni Osmeña na marami silang hindi pagkakintindihan ni PNoy.

“Kung gagawa po tayo ng Report Card niya, makikita mo na napakaraming projects that should have been ongoing by this time, or last year, or 2 years ago, na hindi nauumpisahan hanggang ngayon. That is the performance of the [Aquino] administration. And any delay in any infrastructure, means the people cannot proceed. Because hindi pa in existence, ‘di ba?”

Nang tanungin kung nakikinig pa rin ba sa kanya si PNoy, sagot ni Osmena: “Ay, hindi! Wala na po ‘yan. Hanggang 2010 lang po ‘yun. Pagkatapos, lahat ng classmates niya, lahat ng kabarilan, lahat ng kamag-anak, ‘yun ang pinipili niya.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.