Oskar Peralta, nainggit kina Fanny Serrano at Chokoleit!

NANG MAKAUSAP NAMIN si Oskar Peralta, buong-ningning niyang ibinalita ang bagong indie film niyang “Tarima” (sex room) with Fanny Serrano at ang PBB housemate na si Rocky Salumbides. Bukod sa pagiging fashion icon, artista rin si Oskar. Naidirek ng mga batikang direktor tulad nina Ismael Bernal, Lino Brocka, Joel Lamangan, Mel Chionglo at Maryo de los Reyes. Umani rin siya ng papuri sa madamdamin niyang pagganap sa MMK, episode “Sinturon” with Gabby Concepcion at TF. Hinangaan din ang stage performance niya sa “Around The World” with Andre Soriano na dinirek ni George Vail Kabristante.

Ayon kay Oskar, sa loob mismo ng Manila City Jail kukunan ang mahahalagang eksena nila nina Fanny, Chokoliet, Rocky, Dan Alvaro at Anna Capri. Nang dumating kami sa nasabing lugar, napakahigpit ng security bago ka makapasok sa loob ng bilangguan. In fairness, malinis at maayos ang kapaligiran ng mga selda.

Kasalukuyang kinukunan ng eksena si Rocky ni Direk Buboy Tan sa loob ng selda. Agad kaming lumapit kay Oskar. Na-shock kami nang makita namin ang pamosong designer, nakapang-preso, walang wig at make-up. Walang takot itong  ipinakita ang tunay na  kaanyuan ng isang Oskar Peralta. “Yun naman kasi ang ang character ko rito. Isang matandang bakla na pinaglipasan na ng panahon dito sa kulungan. Walang pamilyang uuwian, ‘yung mga kapwa ko bilanggo ang itinuturing ko nang pamilya kaya rito na ako naglagi,” tsika niya.

Nakaupo naman sa isang tabi si Eula Valdez, all-out support sa dyowa niyang si Rocky. In between taes, binibigyan niya ng pointers ang binata. Launching movie kasi ito ng PBB housemate. Kiber, kung almost midnight na natapos ang mga eksena ni Rocky.

Nang matapos ang eksenang ‘yun, si Oskar naman ang kinunan. Walang dialogue, facial expression lang, mata lang ang nagsasalita. “Good take,” say ni Direk Buboy Tan.

For the first time, magdra-drama rito si Chokoleit. Bestfriend siya ni Fanny na nakapatay ng call boy. “May mga crying scene ako with Gloria Romero at ‘yung dead scene ni TF. Ang nakatutuwa nga, nag-blend ako sa mga preso, nakapag-adjust na nga ako. Pasundut-sundot lang ang pagpapakuwela ko rito,” wika ng magaling na comedian.

Ang nakakaloka pa raw, may bed scene si Chokoleit sa baguhang si Danh Rivera. “Gusto ko nga ‘yung amoy ko, natural kapag kinunan na ‘yung eksena namin. Hindi ako maliligo, wiz pabango para masimsim niya ‘yung tunay kong amoy. Ha-ha-ha!” Pabirong sabi niya.

Very challenging ang role ni Fanny, isang baklang nabulag ang kanang mata dahil sa pagmamalupit ni Gloria Romero (Lola ni TF). “Nabulag dahil tinusok ng tinidor ni Tita Glo. “Marami kaming highlights dito, may eksenang ginugulpi niya ako, pinagpapalo ng baston. At first, alanganin siyang gawin ‘yun scene baka raw masaktan ako. Hindi effective kasi kung dadayain so, ako na mismo ang nagsabing gawing totoo ‘yung paggulpi niya sa akin. Kailangang maging realistic ‘yung eksena. Nang gawin na ‘yung eksena, matinding sampal ang dumapo sa mukha ko, namaga as in ang mukha ko. Malakas din ang pagpalo niya ng baston sa katawan ko. Nag-black and blue ang puwet at hita ko. Sabi niya sa akin, “‘Yan ‘di ba ang gusto mo?” Nang pinanood namin ang eksenang ‘yun, sulit ang sakit na naramdaman ko. Worth doing it kahit totoong nasaktan ako!”

Mapangahas ang bed scene nina Fanny at Rocky, pareho silang hubo’t hubad habang nagtatalik sa mismong Tarima ng mga bilanggo. Wala ring pakialam ang model/actor kung may mga daring scene siya. Tutal naman, launching movie niya ito kaya maiintindihan siya ni Eula dahil artista rin ito. Bukod pa rito, may sex scene din si Fanny sa baguhang si Danh Rivera. Kanino kaya kina Rocky at Danh nag-enjoy si TF sa pakikipagtalik?

Hirit ni Oskar, “Nakakainggit naman sina TF at Chokoleit, dapat siguro may love scene or shower scene din ako?” Oo nga naman.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Oskar Peralta, nainggit kina Fanny Serrano at Chokoleit!

  1. DAPAT ANG MGA PELIKULA NGAYON AY REALITY MOVIE NA ANG TAWAG, para naman yang mga press release at chu chu na kung anik anik na kailangan ang sampalan ay makatotohanan na mga ka etchosan, para lang mapag usapan at may manuod.

    sasabihin pang hubot hubad kami dito pero pag ipinalabas kalahati lang ng katawan ang ipapakita at minsan ay silowet pa.

    hay may bumili lang ng tiket ay sasabihin lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.