Osang, gustong maging lalaki?

NALILINYA NGAYON SA independent fi lms ang magaling na aktres na si Rosanna Roces dahil naroon daw kasi ang lalim at walang iniintinding producer na hinahabol ang box office return at ang tanging habol lang sa ganitong mundo ay ang mga parangal at pagkilala. Kapapanalo lang ni Osang sa Gawad Urian ng Best Supporting Actress para sa pelikulang Presa, pero para sa kanya, kung pag-uusapan ang inaasam niyang dream role, ang pinakaminimithi ng isang Rosanna Roces eh, ang pagpo-portray bilang isang ‘lalaki’. Ano raw? Gusto raw ng aktres ang pagiging lalaki kasi pag-aaralan pa nito ang physiology ng pagiging Adan at mahirap ‘yon bilang isang Eba nga naman at malaking challenge daw iyon sa kanya. Megan’un? Tingnan nga natin kung keri ni Osang ang maging maton.

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Osang, gustong maging lalaki?

Leave a Reply

Your email address will not be published.