Ormoc, nagpadala ng tulong sa Saint Bernard

ORMOC CITY – NAGPADALA ng tulong ang pamahalaang lungsod na ito sa Saint Bernard, Southern, Leyte ngayong araw na ito para magamit ng ilang libong pamilya na nasalanta ng baha sa Brgy. Bulod-Bulod, sanhi ng sunud-sunod na araw ng walang tigil na pag-uulan sa nasabing bayan.

Inihayag ni Mayor Eric C. Codilla na base sa hiling ni Mayor Rico Rentuza ng bayan ng Saint Bernard, nangangailang daw sila ng bigas at tubig dahil ito umano ang kasalukuyang pangangailangan ng mga naging biktima sa nasabing kalamidad. Ayon kay Mayor Codilla, magpapadala siya ng 50 sako ng bigas, 50 karton ng 1 liter mineral water at 50 karton ng one gallon mineral water.

Sinabi pa ni Mayor Codilla na kukunin niya ang pundo para sa nasabing tulong mula sa 5% calamity fund ng lungsod na ito na nagkakahalaga sa kasalukuyan ng mahigit P40 milyon.

Inihayag ni Rosalinda A. Araneta, MDRRMC at Public Information Chairman ng nasabing bayan na nitong Lunes ng umaga, umaabot na 2,264 ka pamilya ang apektado ng nasabing baha sa kanilang bayan. Dagdag pa nito, ang Brgy. Bulod-Bulod ang siyang pinakasentro na tinamaan ng baha. Tatlong kabataang may edad na 5, 3 at 1 ang namatay matapos na maanod sa malakas na baha at matabunan ng rumaragasang lupa habang sila ay nagsilikas palayo sa kanilang mga bahay. Kinilala ang mga ito na ang magkapatid na Maria Fatima Discaryal, 5, at Rodel, 1, at ang 3-anyos na si Jordan Lakipon.

Ayon pa kay Araneta, na si Laki-pon ay idineklarang nawawala nitong Linggo ng kanyang mga magulang matapos itong mawalay sa kanila nang lisanin nila ang kanilang bahay. Subalit nakita ang bangkay nito noong Lunes ng umaga na natabunan na ng putik matapos magsagawa ng paghahanap ang ilang rescue group at mga pulis at army sa nasabing barangay.

Ayon pa ni Araneta na ang kanilang bayan ay nangangailangan ng tubig dahil ang ang kanilang water system ay nasira rin ng baha. Dagdag pa nito na nangangailangan din sila ng mga gamot, banig, at mga kumot  para  magamit ng mga nasalanta ng baha.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.