‘Orange Lane’ sa Caloocan, Hinigpitan

MAHIGPIT NA ipatutupad ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang 450-meter long “orange lane” para sa mga sidewalk vendor sa kahabaan ng Rizal Avenue Extention malapit sa LRT Monumento station patungong Maynila at papasok ng Caloocan.

Sinabi ni Mayor Malapitan, ang orange-painted line ay para paghiwalayin ang mga street vendors at mga taong nagsisipaglakad sa pathwalk ng nasabing lugar.

“Among the main cause of traffic jams in the area are undisciplined sidewalk vendors and commuters, which we hope to address by our orange lane program. This will be strictly implemented by the Department of Public Safety and Traffic Management, which would also regulate the vending time of the street peddlers,” wika ni Malapitan.

Ayon naman kay DPSTM chief Larry Castro, ang mga sidewalk hawkers ay papayagang magtinda ng kanilang mga kalakal mula alas4:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng umaga lamang at kung sino ang hindi tatalima sa regulasyon sa orange lane ay hindi na papayagang makapagtinda sa mga nabanggit na lugar.

Idinagdag pa ni Mayor Malapitan, hindi dahil ang kulay orange ay mayor’s party color, ang kulay orange ay simbolo ng pagbabago.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.