Oral arguments sa DAP, kinalampag ng protesta

MULING NAGBALIK sa Padre Faura sa Maynila ang mga grupong gustong alisin ang pork barrel at Disbursement Allocation Program (DAP) sa pagpapatuloy ng oral arguments sa Supreme Court (SC), kahapon.

Binatikos ng Bayan ang Department of Budget and Management (DBM) na hanggang ngayon, hindi pa inilalabas nang buo ang mga detalye ng DAP lalo na sa usapin kung saan ito napunta.

Sinabi ni Bayan Sec. Gen. Renato Reyes na sinusuway ng DBM ang utos ng Korte Suprema para lang pagtakpan ang ilegal na gawain ng administrasyong Aquino.

Gustong malaman ng Bayan kung magkano ang DAP na napunta sa mga pulitiko at sinu-sino ang mga ito.

Samantala, bahagyang nagkaroon ng tensyon matapos harangan ng pulis ang jeep kung saan nakasakay ang gagamiting sound system kaya itinulak ito ng mga militante hanggang sa harap ng Korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.