Oral Argument sa Cybercrime Law, Ipinagpaliban ng SC

DISMAYADO ANG ilang netizens o mga active internet users na napasugod pa sa harap ng Supreme Court (SC) para mag-abang sana sa oral argument kahapon.

Ito’y matapos ipagpaliban ang legal debate dahil na rin sa kahilingan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Base sa pinakahuling pahayag ng korte, hindi makadadalo ang mga tauhan ng OSG dahil sa pagpapatawag ng Palasyo para sa importanteng isyu.

Humingi naman ng paumanhin ang OSG dahil sa kabiguan nilang makapag-abiso ng mas maaga.

Maging ang mga awtoridad ay napasugod sa may SC compound ngunit sa huli ay nag-alisan na rin ang mga ito makaraang mapag-alaman na hindi tuloy ang oral argument.

Una rito, panig naman sana ng gobyerno ang maghahain ng argumento upang idepensa ang naturang batas na pangungunahan mismo ni Solicitor General Francis Jardeleza.

Kabilang sa tatalakayin ay ang isyu ng online libel, cybersex provision, at kapangyarihan ng DoJ na mag-block ng access sa computer data.

Itinuturing ng mga petisyoner kontra Cybercrime Law na seryosong banta ang batas sa internet freedom, right to privacy at iba pang civil liberties gaya ng freedom of speech, expression and the press.

Samantala,  mayroong umiiral pang temporary retraining order laban sa nabanggit na batas na tatagal hanggang Pebrero 5.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.