Oral argument ng SC sa pork at Malampaya, sinabayan ng kilos-protesta

SINABAYAN NG kilos-protesta ng daan-daang tutol sa pork barrel ang oral argument ng Supreme Court (SC) hinggil sa kontrobersyal na pork barrel at Malampaya fund scam.

Kaugnay nito, pansamantalang isinara ng Manila Police District (MPD) ang kahabaan ng Padre Faura upang bigyang-daan ang mga raliyista.

Sinabi ng mga organizer ng nasabing rally na tututukan nila ang magi-ging takbo ng argument sa pagitan ng mga petisyuner at mga respondent sa kaso.

Iginiit ng grupo na tuluyan nang ideklarang unconstitutional o labag sa batas ang paggamit ng PDAF ng mga mambabatas gayundin ng Pangulong Noynoy Aquino III.

Ito ay maliban pa sa mga naunang petisyon ng ilang indibidwal sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng PDAF at Malampaya na una nang pinigil ng kataas-taasang hukuman sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO).

Kabilang sa mga petisyuner na humarap sa debate ay sina Social Justice Society Samson Alcantara; dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno at dating Manila Councilor Greco Belgica.

Samantala, kabilang naman sa mga respondents ay sina Pres. Benigno Aquino III, Senate President Franklin Drilon, House Speaker Feliciano Belmonte, Executive Secretary Paquito Ochoa at Budget Secretary Butch Abad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.