Opposite Bills sa Diborsyo, Iniwasan ng Palasyo

DUMISTANSYA ANG Palasyo sa dalawang magkasalungat na bersyon ng panukalang batas hinggil sa diborsyo sa Kamara.

Base sa panukalang “Anti-Divorce and Unlawful Dissolution of Marriage Act ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro, nakasaad dito ang pagkontra laban sa anumang probisyon para sa diborsyo, habang sa panukala ng ilang militanteng kongresista, hangad nilang maamyendahan ang Family Code para maisulong ang divorce provision.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala silang posisyon alinman sa dalawang magkasalungat na panukalang batas.

Nananatiling wala sa kanilang radar ang usapin tungkol sa diborsyo at hindi napag-uusapan tulad ng pahayag ng Pangulong Aquino.

“Dalawa ‘yung bills. ‘Yung isa, sinasabi niyang dapat daw any future enactment of any bill related to divorce should be considered illegal; ‘yung isa naman (is) pushing to amend the family code to have a divorce provision. As we have said, divorce is not on the radar of the administration. Wala talaga. Hindi kasi talaga siya napag-uusapan eh,” ani Valte.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.