OPM artists, palong-palo sa Star Awards for Music

By MK Caguingin

 

PALONG-PALO ANG ORIGINAL Pilipino Music (OPM) sa ika-3 taon ng PMPC Star Awards for Music na ginanap noong October 16 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, Quezon City. Muling kinilala ang talent at galing ng mga musikerong Pinoy sa nasabing awards night kaya naman, mabuhay ang OPM! Kabilang sa mga pinarangalan ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa mga Lifetime Achievement Awardee. Ang iba pang OPM icons na binigyang-pugay ay sina Sylvia la Torre, the UP Madrigal Singers, Victor Wood, Mike Hanopol at Pepe Smith ng Juan dela Cruz Band, Freddie Aguilar, Celeste Legazpi, Ryan Cayabyab, Basil Valdez, Jose Mari Chan, Jim Paredes, Boboy Garovillo, at Danny Javier ng grupong Apo Hiking Society. Napitikan naman ng aming mga kaparazzi ang ilan sa mga palong-palong winners. Kabog!

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “OPM artists, palong-palo sa Star Awards for Music

Leave a Reply

Your email address will not be published.