Oplan Undas, Kasado na sa Navotas

SINIGURO NI MAYOR John Reynald Tiangco ng Navotas na maayos at mapayapang maipagdiriwang ng mga Navoteño ang Araw ng mga Kaluluwa sa darating na ika-1 ng Nobyembre ngayong taon.

Ipinag-utos ni Mayor Tiangco sa City Traffic and Parking Management Office, Task Force Disiplina at Philippine National Police – Navotas ang mahigpit na pagbabantay sa tatlong sementeryo sa lungsod, ang City Cemetery, Catholic Cemetery at Immaculate Garden, na matatagpuan sa kahabaan ng Governor Pascual St., Barangay San Jose, Navotas.

Inatasan naman ang Public Information Office na magsagawa ng information drive upang ipagbigay-alam o ipaalala sa mga Navoteño ang mga ipinagbabawal na gawain sa loob ng sementeryo tulad ng pagdala ng matutulis na bagay, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggawa ng malakas na ingay habang ginugunita ang nasabing okasyon.

“Nais nating maging payak at tahimik ang paggunita sa mga namayapa nating mahal sa buhay,” ani ni Mayor Tiangco.

Sa ika-31 ng Oktubre, isasara na ang kahabaan ng nasabing kalsada sa trapiko, mula Bacog St. hanggang R. Padilla St., upang magbigay-daan sa mga maglilinis ng mga puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Inalerto na rin ni Mayor Tiangco ang Health Emergency Management Staff ng lungsod sa anumang ‘di inaasahang sakuna sa araw na ito habang ang Liga ng Kalinisan ng Navotas ay itinalaga na rin sa iba’t ibang parte ng nasabing lugar upang mapanatili ang kalinisan dito. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.