Oplan Kalkal Kanal, Kontra Dengue Maagang tag-ulan, pinaghahandaan

 

INATASAN KAHAPON NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang kanilang engineering at health department na paigtingin ang kampanya ng pamahalaang-lokal laban sa baha at mga sakit na karaniwang nauuso sa panahon ng tag-ulan, partikular ng nakamamatay na Dengue.

Kabilang sa binigyan ng go-signal ng alkalde ay ang pagsasagawa ng fogging operation sa lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan habang nasa bakasyon pa ang mga estudyante.

Isasakatuparan din ang de-clogging at cleaning operation sa mga estero, kanal at mga daluyan ng tubig sa 14 na barangay sa siyudad upang maiwasan ang pagbaha sakaling magsimula nang humagupit ang mga bagyong papasok sa bansa simula ngayong buwan.

Ikinatuwa naman ni Tiangco ang ulat na lahat ng kanilang 21 Bombastik pumping station ay maayos ang operasyon.

Samantala, sinabi nito na dapat pairalin ng mga residente ang disiplina sa wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbaha at paglaganap ng mga sakit.

Nanawagan din ang alkalde sa mga opisyal ng 14 na barangay sa siyudad na i-report sa kanilang Anti-Dengue Team ang mga hinihinalang kaso ng dengue para sa agarang aksyon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.