Oplan Hubaran, inilunsad sa EDSA

INILUNSAD NG Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang “Oplan Hubaran” kontra sa mga bus sa EDSA na balot ng advertisements.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez na nagpalabas na sila ng memorandum sa tamang paglalagay ng advertisements sa mga bus upang hindi matakpan ang mga importanteng impormasyon tulad ng pangalan, body number, ruta at LTFRB hotline.

Base sa panuntunan, from axle to axle na lang dapat ang advertisement sa katawan ng mga bus at hindi dapat matakpan ang mga salamin ng bintana.

Sa likod, maaaring maglagay ng advertisement liban sa 30 inches na sukat mula sa bumper.

Sinabi ni Ginez na tinatanggalan nila ng plaka ang mga bus na may paglabag at hindi ibabalik hangga’t hindi “nahuhubad” ang sobrang advertisements.

Tinitiketan din nila ang mga nahuhuli at pinagmumulta ng P10,000.

Umabot na sa 35 ang mga nahuli kabilang ang mga may wrap-around advertisements.

Smaantala, bukod sa mga bus na may paglabag sa advertisements, may ilang bus din na nasita dahil sa sirang plaka at ilaw, at kawalan ng seatbelt at certificate of registration.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.