Oplan Balik-Eskuwela sa Caloocan

TINIYAK KAHAPON ng pamahalaan lunsod ng Caloocan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayong araw (Lunes) kasabay ng pagpapaigting sa seguridad sa lahat ng paaralan sa lungsod.

Inatasan na rin ni Caloocan City Mayor Enrico Echvierri ang kapulisan na dagdagan ang mga pulis na ipakakalat sa labas at paligid ng mga paaralan sa buong lungsod upang matiyak ang seguridad ng mga estudyante laban sa mga masasamang loob.

Ayon naman kay P/Supt. Ferdinand del Reosario, ng Public Information Office-Northern Police District Office (PIO-NPDO), bukod sa mga unipormadong pulis ay magpapakalat din ng mga nakasibilyan na siya namang magmamanman sa kilos ng mga masasamang elemento tulad ng snatching/robbery hold-up.

At sa posibleng maging maulan ang panahon sa pagbubukas ng klase, inaasahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahilan upang ipakalat ni Mayor Recom ang mga tauhan ng RDPSTM sa mga pangunahing lansangan sa buong lungsod na siyang aalalay sa mga estudyante.

Pinayuhan pa ni Mayor Recom ang mga magulang ng mga batang estudyante na huwag pabayaang mag-isa ang kanilang mga anak sa pagpasok at pag-uwi upang mas higit na matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.