Opisyales ng Navotas, naglinis ng kalsada

NAGKAISANG NAGLINIS NG kalsada ang mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, barangay at iba’t ibang organisasyon sa pamumuno ni Mayor John Reynald M. Tiangco mula alas-8 hangggang alas-9 ng umaga sa bawat sulok ng lungsod ngayong umaga, upang ipakita ang pakikiisa ng lungsod sa Lingap sa Kapaligiran Program ng Metro Manila Development Authority at Metro Manila Mayors Spouses Foundation, Inc.

Sinundan ito ng maikling programa sa Navotas Sports Complex upang pormal na ilunsad ang nasabing proyekto na kinalalang, “Navotas Ko, Love Ko – Ganda ng Navotas, Ipagmamalaki Ko”.

Dumating sa nasabing okasyon ang kagalang-galang na si Corazon Jimenez, General Manager ng MMDA at Presidente ng MMSF; gayundin ang mga butihing may-bahay ng mga Punong Lungsod sa Metro Manila at iba’t ibang organisasyon tulad ng Rotary Club of Navotas, Soroptimist, Girl Scouts at Boy Scouts of the Philippines.

Sa isang presentasyon na ipinakita ni G. Joselito Osete, Puno ng City Environment and Natural Resources Office – Navotas, ipinakita niya ang mga isinasagawang hakbang ng kanyang departamento at liga ng kalinisan upang mapanatiling kaaya-aya at malinis ang mukha ng Navotas.

Ipinagmalaki din ni G. Osete na 4 na sunud-sunod na taon, mula 2001 hanggang 2004, nakatanggap ang Navotas ng parangal na “Cleanest and Greenest Municipality in NCR” mula sa Presidential Recognition Awards (Gawad ng Pangulo sa Kapaligiran).

Sa pangunguna naman ni Tiangco, sama-samang sumumpa ang mga nagsipagdalo sa programa na maglilinis ng kanilang kapaligiran.

Buo ang suporta ni Mayor John Reynald M. Tiangco sa Lingap Kapaligiran Program. Nitong Setyembre 14, pormal na inilunsad ang Navotas Ko, Love Ko, Lingap sa Kapaligiran Program. Nakiisa ang Girl Scouts of the Philippines – Navotas Chapter sa nasabing proyekto.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.