Opisyal sa Marikina, Nang-Rape!

ISANG 47-ANYOS NA biyuda ang pormal na nagsampa sa pulisya ng reklamong panggagahasa laban sa kasalukuyang kagawad ng Barangay Fortune sa Lungsod ng Marikina.

Kinilala ang opisyal na si Brgy. Fortune Kagawad Mario Cordias, nasa hustong gulang, may-asawa, residente ng Pugad Lawin, sa nabanggit na barangay.

Sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Jennifer, naganap ang panghahalay noon pang Oktubre 24, 2010 bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa loob ng kanyang tahanan habang siya ay nag-iisa dakong alas-11 ng gabi.

Nabatid na kumatok ang suspek na tumatakbong kagawad bilang re-electionist at dahil sinusuportahan niya ang kandidatura nito ay kanya itong pinapasok nang sabihin ng suspek na may dala siyang mga pulyetos na gagamtin sa halalan.

Nang kunin niya ang mga pulyetos, agad siyang hinawakan sa dalawang braso at pilit na pinahiga sa kama, at agad siyang pinatungan subali’t nanlaban ang biktima sabay pakiusap na huwag ituloy ang binabalak dahil bukod sa tinutulungan niya ito sa kandidatura ay magkumpare pa sila.

Walang nagawa si Jennifer sa lakas ng suspek nang suntukin siya nito sa sikmura habang binabantaan na babarilin sa dala nitong baril na nakasukbit sa baywang kasunod ang paghablot sa kanyang suot na manipis na damit sabay ring naghubad ang suspek.

Nang nakaraos, muling binantaan ang biktima na huwag magsusumbong sa pulisya dahil papatayin ang buo niyang pamilya at ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad siya nakapagsumbong sa kinauukulan.

Napilitan na lamang siyang magsumbong nang kumalat na sa kanilang lugar ang pangyayari bukod pa sa nakaramdam siya ng hindi maganda sa kanyang ari na hinihinalang nahawaan ng sexually transmitted disease o STD.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Opisyal sa Marikina, Nang-Rape!

Leave a Reply

Your email address will not be published.