Opisyal ni Echiverri, may pinapaboran sa VK sa Caloocan

HINDI UMANO PINAYAGAN ng isang mataas na opisyal ng Caloocan City Hall na maglagay ng mga Video Karera (VK) machine ang isang nagngangalang “Sacho” dahil may nagugustuhan umano ito na ibang VK operator.

Ayon sa mapagkakatiwalaang impormante, si Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) chief Al Sta. Maria umano ang ayaw pagbigyan si Sacho na makapaglagay ng kanyang mga VK machine saanmang panig ng lungsod.

Sabi pa ng source, ang gusto umanong bigyan ng bendisyon ni Sta. Maria para makapaglagay ng VK sa lahat halos ng panig ng Caloocan ay isang nagngangalang “Garry”.

Parang kabute na nagkalat ang mga VK ni Garry sa Bagong Silang at Camarin (district-1) na lubhang kinalolokohan ngayon ng mga matatanda, kabataan at mga batang mag-aaral.

Sinabi pa ng impormante, kaya umano hindi pinayagang makapaglatag ng VK si Sacho sa Caloocan City proper (District-1) ay dahil ang gusto umano ng opisyal ay makopo ni Garry ang operasyon ng VK sa buong lungsod ng Caloocan.

“Kung si Garry ang papayagang makapaglagay ng VK sa buong lungsod (district 1 and 2), isang tao lamang ang magiging kausap ng opisyal ng city hall,” wika pa ng impormante.

Bukod dito, si Garry ay malapit sa nasabing opisyal at malaki ang ibinigay na hatag para makapag-operate ng VK sa nabanggit na lungsod. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.