Opisyal ng toda, kritikal sa nakagitgitan

KRITIKAL ANG ISANG opisyal ng samahan ng mga tricycle driver matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na nakagitgitan sa motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Reynaldo Espiritu, 57, Board of Directors ng CAAD TODA ng Quisumbing St., Area D, Camarin ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1:40 ng hapon, dala ng biktima ang kanyang motorsiklo at pagsapit sa Vanguard St., Camarin nang makagitgitan ang mga suspek sakay rin ng isang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa bunutin ng isa sa mga suspek ang dalang baril at putukan si Espiritu.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.