OPISYAL NG NPA NATIKLO NG MILITAR

BALIUAG, BULACAN – MATAPOS ang mahabang  panahon ng pagtatago sa kasong Rebelyon at pagpatay sa lalawigan ng Quezon, nadakip na ng pinagsanib na puwersa ng 702nd Brigade, 56th Infantry Batallon,7th Military Intelligence Branch (MIB) at Provincial Intelligence Branch ng Bulacan PNP ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army CPP-NPA.

Sa ulat na tinanggap ni S/Supt. Wendy Rosario, OIC Provincial Director, ng Bulacan PNP, na ipinadala kay Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, PNP Regional Director-3  kinilala ang nadakip na suspek na si Alan Jasminez, nasa hustong gulang, residente ng Aure Village Brgy.Subic Baliuag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni Colonel Felicito Virgilio M Trinidad Jr., Army Intelligence, dakong alas-6:30 ng hapon nang madakip si Ka Alan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch-63 Regional Trial Court Judge Hon. Rodolfo Garguque sa Calauag, Quezon.

Nabatid na si Ka Alan ay Executive Commander ng Central Committee ng CPP/NPA/NDF sa Region lV-A na sangkot sa 13 kaso ng Murder at Rebelyon sa bahagi ng Luzon.

Ayon kay Col. Trinidad, ang nadakip na opisyal ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army ay nabigong makatugon sa Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee (JASIG) ng Philippine Army.

Habang isinusulat ang balitang ito, nakatakdang ilipat sa Calauag, Quezon ang kustodiya ni Jasminez sa kaso ng Murder at Rebelyon laban sa Gobyerno.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.