Opisyal ng Militar, Pinatay sa Birthday Party

MALAGIM ANG SINAPIT ng isang junior officer ng militar nang makisaya lamang sa birthday ng kanyang tauhan sa bayan ng San Miguel, Zambonaga del Sur.
Ito ay nang barilin si 1st Lt. Orlando Galutera ng 35th Infantry Battalion ng isa sa kanyang subordinate sa nasabing lalawigan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bago ang pamamaslang ay nakipag-inuman si Galutera sa kanyang mga tauhan na sina Cpls. Rolando Serencio at Rey Galarpe sa Bgy. Poblacion.

Ang nasabing inuman ay bilang selebrasyon sa kaarawan ni Galarpe.
Nang mapansin ni Galutera na lasing na ang dalawa, pinagsabihan niya ang mga ito na tumigil na sa pag-inom.
Sa halip na tumalima, kinuha ni Galarpe ang kanyang M-16 rifle at tinangkang paputukan si Galutera subalit nadisarmahan ito ng opisyal.
Nang makita ni Serencio ang pag-agaw ni Galutera sa armas ni Galarpe, kinuha nito ang kanyang M-16 rifle at pinaputukan ang opisyal na agad na namatay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.