Opisyal ng militar, nagbigti

NAGPAKAMATAY SA PAMAMAGITAN ng pagbibigti  ang  isang  opisyal ng militar sa bayan ng Balabagan, Lanao del Sur, kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si 1st Lt. Remondo Estrada, 31, may asawa, tubong-Pangasinan at kumander ng G Company sa 51st Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Poblacion ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Sr. Supt. Cosanie Derogongan, Director ng Lanao del Sur PNP, nadiskubre ni Sgt. Bernardo Erni ang biktima na nakatali ang leeg gamit ang sinturon sa kisame ng comfort room ng officer’s quarter.

Hinala ng otoridad na may  malaking problema a ng  military  official  kaya  nagpakamatay  ito. Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy kung walang foul play sa pagkamatay ni Estrada.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.