Opisyal ng Immigration, Kasabwat ng Illegal Recruiters

NAKIKIPAGSABWATAN ANG ISANG opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga illegal recruiters kung kaya’t dumarami ang mga walang trabaho na mga Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia.

Ayon sa isang insider sa BI, noong nakaraang Agosto 2010, pinababa ang sampung turista sa eroplanong kanilang sasakyan patungong Qatar, dahil nabisto ng mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport ang modus operandi ng BI opisyal at ng isang bogus na recruitment agency na nagpapaalis ng mga Pilipinong turista, pero pagdating sa nabanggit na lugar ay magtatrabaho.

Napag-alaman mula sa reliable source na nakatakdang umalis sa buwang ito ang sinasabing 10 turista patungong Qatar upang magtrabaho bilang mga electrician, kung saan may sasalubong na kontak ng illegal recruiter sa nabanggit na lugar.

Sinabi ng kasama sa 10 na ayaw magpabanggit ng pangalan na nagbabayad sila sa isang manpower agency na matatagpuan sa Ermita ng halagang P30,000 bawat isa, kahit alam nila na bawal ngunit binale-wala nila ito para lamang makaalis sa bansa gamit ang tourist visa.

At ang katuwiran ng nasabing biktima, kinagat niya ang alok sa kanya upang mapakain ang pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Nabatid mula sa BI na mahihirapang makalabas sa bansa ang mga ito dahil ipinag-utos ng pamunuan ng BI sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport na bantayan nang mabuti upang masawata ang iligal na gawaing ito sa NAIA at papanagutin sa batas ang mga nasa likod nito. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.