OPISYAL NG CUSTOMS, INIIMBESTIGAHAN

KASALUKUYANG SUMASAILALIM SA “life style check” si Filomeno Vicencio Jr., director ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay sa hindi maipaliwanag na tagong yaman magmula nang italaga siya ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang hepe ng naturang departamento sa Bureau of Customs noong nakaraang taon.

Ayon sa pahayag ng Revenue Integrity and Protection Service (RIPS) ng Department of Finance (DOF) na siyang may hawak ng kaso, “as per record ng Capas Assessors Office” may tatlong property ang nasa pangalan ng mag-asawang Filomeno at Lailanie Vicencio. Ito ay ang 60 sq. meter residential lot with Tax Declaration no. 04018-04963 sa Sto Rosario, Capas, Tarlac, residential house with Tax Declaration no. 04018-04964 at isa pang 60 sq. meter na mayroong Tax Declaration no. 04018-04965 na pawang matatagpuan sa Capas, Tarlac.

Maliban sa mga nabanggit na ari-arian, nakabili rin umano ang mag-asawa ng 10 ektaryang lupain sa Brgy. Cubcub, Capas, Tarlac, mula sa isang nagngangalang Pepito Mariano ng halagang P1-M noon lang June 17, 2010.

Ang nasabing lupain ay ginastusan pa umano ng P2.6 milyon para sa bakod, ngunit ayon sa Capas Engineer’s Office walang pahintulot ang kanilang opisina o permit na kinuha ang mag-asawang Vicencio sa nasabing pagbabakod.

Ayon pa sa ulat, noong June 2010, nakabili rin ang mag-asawang Vicencio ng tatlong stalls sa Capas Public Market na nagkakahalaga ng P1.3 milyon. Bukod pa sa mga sinasabing ari-arian ng dalawa, nagmamay-ari pa umano ang mga ito ng pitong luxury cars na kinabibilangan ng 2004 BMW X3 2.5L na may plakang XSS-377, 1998 Toyota Land Cruiser na may plate no. LLP-772, 2001 Isuzu Elf na may plate no. RJY- 920, 2010 Rebuilt Honda Mini – RKA-760, 2004 Honda Civic – RBD 876, at LTV 121 white Toyota Innova wagon.

Napag-alaman ding mayroon pa itong 12 high powered na mga baril na pawang may permit to carry – isang 380 pistol, .45 pistol, dalawang 5.56 high powered rifle, dalawang 12 gauge shot gun, .22 machine pistol, dalawang 9mm pistol, 357 revolver, 22 low powered rifle, at .30 carbine.

Binanggit din sa report ng mga taga-RIPS sa Department of Finance na si Director Vicencio ay mayroong mini-maintain na 10 security escort na pawang retired police, samantalang P36,923.00 lang ang tinatanggap nitong sahod bawat buwan.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

5 thoughts on “OPISYAL NG CUSTOMS, INIIMBESTIGAHAN

  1. Sarap pala sa custom pag ganyan, hindi muna kelangan ng monthly salary, grabe pala ang kitaan dyan, lalo na pag smart ka at go with the flow ka lang sa mga bossing mo. Pag graduate ko ng highschool by 2013, kukuha ako ng BS Custom Adminstration sa PMI, then mag rereview at kukuha ako ng Board Exam at Civil Service Eligibility, then gagawa ng paraan at maghahanap ng mga maimpluwensyang baker sa loob ng CIIS ng BOC o sa kahit saan department dyan. Ganda ng opportunity pala dyan, hindi muna kelangan mag abroad para kumita ng maganda.

  2. tsaka bakit lahat ng nagwowork sa custom ang yayaman na? ang dadami nila kotse ang lalaki ng bahay nila..pero kung susumahin d nman kaya ng budget ng sahod nia…may aam ako na custom broker lang pero parang ang daming pera kung mamuhay.kano ba sahod ng custom broker sa pnas????

  3. nung minsan umorder ako ng apat na winter jacket sa china..pagdating sa isabela sa sister ko..kinuha daw sa post nakow 6k daw ang siningil..si imbes na meron sya kinita..nag abuno pa sya ng todo todo..so asan jan ang makamasa na sinasabi nila?

  4. ay dapat lang talaga..khit mga munting online shopping seller lang pag galing korea o china o Us mga kunting pakete..d talaga nila ibinibigay hanggat di ka masingil ng 5k o 6k dpende pa kung minsan..nakakainis talaga mga yan..wala ka nman magawa kc ung mga buyers nag aantay don sa bngay mo na date of arrival nung inorder nila.so para makuha mo at ibigay nila kaiangan mo bayaran mga sinasabi nila na kesyo tax daw..ganyan ba mga emplaydo ng custom ngaun??? presidente kumilos ka nman..samantalanag 1% lng dapat ang kailngan bayaran sa tax..kc bayad namn na din un sa pnagshipan.

  5. naku sana naman lahat ng custom official ay imbestigahan sa EMS lang ang dami ng custom na kawatan ..once na pinapasok ka na sa sa loob magkakaroon na ng sabwatan ang mga staff na nakawin ang bayad sa tax 10k lang ang ireresibo samantalang 20k ang binayaran di ka nman makapag reklamo pag maliit na negosyante lang kase lalo kang gigipitin pero sana kumilos na ang imbestigahan ang lahat at gawin for public ang sistema para alam ng mamayan kung magkano ba talaga ang dapat bayaran na tax

Leave a Reply

Your email address will not be published.