Opisyal ng BIR, Patay sa Ambush

RIZAL – PATAY ANG isang mataas na opis-yal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na pagbabarilin ng lone gunman kahapon ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si Marcelino Yap, 46-anyos, Revenue District Officer ng District 45-Marikina City, na may tanggapan sa S and C. Bldg. Marcos Highway, Brgy. Mayamot ng nasabing lungsod.

Tumakas naman ang suspek sakay ng isang motorsiklong Honda Bajaj na walang plaka sa Masinag Junction, kung saan iniwan ang nasabing sasakyan.

Sa ulat, naganap ang pananambang dakong alas-8:45 ng umaga kanina sa tapat ng Land M Grill na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy Mayamot, Antipolo City.

Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa kanilang tanggapan nang lapitan ng suspek na nakasuot ng maong pants at puting  T-shirt at armado ng baril na kalibre. 45.

Agad na pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mara-

ming tama sa iba’t ibang parte ng katawan na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente.

Nabatid na ang nasabing BIR Office ay sa Marikina City at na-ngungupahan lamang sa nasabing gusali.

Nagsasagawa na nang masusing im-bestigasyon ang pulis-ya kaugnay ng “early morning ambush”.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.