Opisyal ng Aman Futures, sumuko na

SUMUKO NA kamakalawa sa National Bureau of Investigation (NBI) si Dhurwen Wenceslao, isa sa mga opisyal ng Aman Futures Group Incorporated na nahaharap sa kasong syndicated estafa sa Pagadian Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, NBI deputy director for Regional Operations Services na sumuko si Wenceslao kay head agent Sixto Comia ng Environmental and Wildlife Protection Investigation Division.

Boluntaryong nagtungo sa tanggapan ng NBI si Wenceslao para harapin ang kanyang kaso.

Sa ngayon, nananatili si Wenceslao sa detention center ng NBI matapos itong kunan ng fingerprint at litrato.

Una nang inatasan ng korte ng Pagadian ang nasabing tanggapan na iharap ang limang incorporators ng Aman Futures na sumuko sa kanila at boluntaryong maging testigo ng pamahalaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.