Opisina ni Vice Mayor Erice, niransak

NIRANSAK AT PINAGNAKAWAN ng mga hindi nakikilalang kalalakihan ang opisina ni Caloocan City Vice Mayor Egay Erice, kung saan tinangay ang may 30,000 kopya ng “open letter” na nakatakdang ipamigay sa 188 barangay chairman noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Erice, ipapaalam niya kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri para maimbestigahan na pinasok at niransak ng mga hindi kilalang kawatan ang kanyang opisina na nakabase sa 2nd floor ng Caloocan City Hall.

Ang labis na ipinagtataka ng bise alkalde, tanging ang “open letter” na nasa 30,000 kopya sa ibabaw ng lamesa ni Atty. Jonie Gonzales  at nakatakdang ipamigay sa 188 barangay chairman, ang tinangay ng mga magnanakaw.

Hindi tinangay ng mga kawatan ang mahahalagang gamit sa loob ng opisina ni Erice – ang apat (4) na computers, printer at mga electric fan.

Dumaan ang mga magnanakaw sa pintuan sa gilid ng opisina ni Erice sa loob mismo ng session hall.

Nakasaad sa “open letter” na may kabuuang P135,895,427.67 mula sa 30% real property tax ang utang ng Caloocan City government sa mga barangay chairmen at P400 milyon sa business tax share na kung susumahin ay aabot na sa kabuuang P535,895,425.67 utang ng lungsod sa mga kapitan ng barangay.

Nakasaad din sa “open letter” ang paggamit ng P167,000 pondo ng konseho mula sa pondo ng mga kapitan na sasama sa Seminar ng Liga na gaganapin sa Leisure Coast Resort sa Bonuan, Binioc, Dagupan City .

“Hindi dapat pakialaman ng konseho ang budget ng barangay, malinaw na bawal ‘yun, base sa itinatadhana ng DILG,” ayon kay Erice.

Ayon kay Elizabeth Magsimbol, political officer ni Erice, alas-8 na ng gabi nang sila ay lumabas sa kanilang opisina.

“Siniguro po namin na sarado ang lahat ng pintuan sa office ni Vice Erice, kaya nagulat po kami nang madiskubre namin na may nakapasok na ibang tao,” paliwanag ni Magsimbol.

May closed circuit television sa city council sa gilid ng opisina ni Erice, pero sinabi ni Archie Joson, assistant chief ng Information Technology (IT) ng city hall na hindi ito kontrolado ng kanilang tanggapan.

“Yun ang ipinagtataka ko eh, kung paano nalagyan ng CCTV ang aming opisina nang hindi alam ng IT,” pagtatapos ni Erice.

Idinagdag pa ni Erice, na hindi mga taong labas ang may kagagawan ng pagnanakaw sa kanyang opisina dahil aniya, “hindi maglalakas ng loob na magnakaw ang magnanakaw sa loob mismo ng city government na napapaligiran ng mga guwardiya.”  (ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Opisina ni Vice Mayor Erice, niransak

  1. bakit di yun ang ireport mo ung delay na sweldo lagi ng mga empleyado ng caloocan city hall. Sabi nila dahil daw sa amo mong si erice na pinabubusise ung mga sumusweldo eh wala namang makita sa kabubusise ang nagsu suffer ung mga kawawang empleyado tsk tsk buti ka pa palaging on time siguro sweldo mo kay erice

  2. asus magpoc amo mo nga yang si vice mayor ehehehe halatang halata magkano ba bayad sa yo ni vice mayor para siraan si mayor? lahat ng article mo puro banat sa caloocan mayor tsk tsk. Ngapala meron akong friend taga caloocan city hall sabi nya lagi daw delay sweldo nila dahil sa pangingialam ng amo mong si erice.

Leave a Reply

Your email address will not be published.