Opisina ng LTO sa Iloilo, Tinangkang Pasabugan

 

BINALAK NA pasabugan ng ilang katao ang regional office ng Land Transportation Office (LTO) Reg. 6 kahapon ng madaling-araw sa Iloilo City subalit masuwerteng hindi sumabog ang ginamit na explosive device.

Sa pagresponde ng explosive and ordnance division (EOD) team ng Philippine Army, natagpuan ang isang .60mm high explosive mortar at isang M26 fragmented hand grenade.

Ang dalawang eksplosibo ay na-recover sa lobby ng tanggapan ng LTO.

Isang driver ng tricycle ang nakakita sa tatlong suspek na may itinapon sa loob ng tanggapan ng LTO.

Ayon sa Philippine Army, kung sumabog ang dalawang eksplosibo, malaki ang magiging pinsala nito ngunit maaaring palyado na ang laman ng dalawang explosive device kaya’t hindi sumabog.

Napag-alaman na noong nakaraang taon, pinasabugan din ng granada ang bahay naman ng LTO Region 6 Dir. na si Gerard Camiña.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.