OPISINA NG DPWH, GINAGAWANG CASINO

BINALAAN NI DEPARTMENT of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang mga Regional Director sa kanyang nasasakupan na sisibakin niya sa puwesto ang mahuhuling nagsusugal sa DPWH Compound .

Ang babala ng kalihim ay bunsod sa dumarating na mga reklamo sa kanyang opisina tungkol sa talamak na sugal sangkot diumano ang mga regional director na mistulang ginagawang casino ang isang opisina ng director sa 4th floor ng DPWH main building sa Port Area, Manila.

Ayon sa kalihim, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 97 Series of 2006, Code of Conduct for Officials and Employees, “…are hereby reminded that gambling and drinking of alcoholic beverages within the DPWH premises are strictly prohibited.”

Sinabi pa ng kalihim na sa ilalim ng Saligang Batas, “a public office is a public trust and all public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency, act with patriotism and justice and lead modest life.”

Ayon sa nakalap na impormasyon na nakara-ting sa kanyang opisina, ginagawang pasugalan ang hindi binabanggit na opisina sangkot ang ilang matataas na opisyal ng departamento.

Kasabay na ipinag-utos ni Singson sa kanyang mga tauhan na ipagbigay-alam sa kanyang tanggapan ang mahuhuling kawani na nagsusugal at umiinom ng alak saan mang opisina, upang mabigyan ng kaukulang aksiyon.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.