Opisina ng Bangko, Napagnakawan

NAPASOK AT napagnakawan ng isang hindi pa kilalang suspek ang opisina ng isang bangko sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Sa ulat, alas-6:35 ng umaga nang madiskubre ng guwardiyang si Eduardo Obagne, 50 na nakabukas ang mga drawer ng mga lamesa sa Metrobank sa East Grace Park sa pagitan ng 8th at 9th Avenue ng lungsod.

Agad na ipinagbigay-alam sa mga empleyado ang pangyayari at natuklasan na nawawala ang P2,000 ni Rebecca Sarmiento, 40, Senior Assistant Manager habang P700 naman ang nawala kay Jun King, 46, Appraiser ng nasabing bangko.

Lumalabas na nakaakyat ang suspek sa steel ladder ng fire exit at nabuksan ang bintana sa ikatlong palapag ng gusali hanggang sa makapasok sa opisina ng Metrobank.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.