Operator ng VK sa Caloocan, Malakas sa City Hall

SADYANG MALAKAS ang kinakapitan ng isang bebot na video karera machine operator dahil may basbas umano ng isang mataas na opisyal ng Caloocan City Hall.

Dahil sa pagkakalathala sa mga pahayagan ng iligal na operasyon ng mga VK ni alyas Ohyie, pinag-aalis nito ang kanyang mga “devil machine” sa Barangay 73, 28 at 8 sa nasabing lungsod.

Subalit, ayon sa source, ang mga VK ni Ohyie ay inilipat lang umano sa ibang lugar at ito ay makikita sa paligid-ligid ng Caloocan City Hall.

Sinabi pa ng source, mismong si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan diumano ang kumausap kay Senior Supt. Bernanrd Tambaoan, Caloocan Chief of Police na nagsasabing huwag na umanong pansinin ang mga nagkalat na VK ni Ohyie.

Dahil umano ang nasabing VK operator ay naghatag at sumuporta raw kay Malapitan noong nakalipas na eleksiyon kaya pinapayagang makapag-operate.

Samantala, laganap din sa Camarin, Bagong Silang at Tala at maging sa ilang panig ng district 2 ang operasyon ng Jueteng ni Tony “Bolok” Santos.

Dahil dito, nagpipista sa kalye ang mga kubrador ng Jueteng kung saan hayagang kumukubra ng taya sa mga mananaya kahit pa nakikita ng mga pulis.

Centrilize naman ni Danny “Kamote” Estanislao ang bookies ng karera ng kabayo sa district 1 at maging sa district 2 ng lungsod.

 (ROMAN MAGPOC)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.