Operator ng Saklaan at Jueteng sa Malabon, Untouchable

MATIKAS ANG DATING umano ni Sakla operator Mario Manabat alyas ‘Mario Bukbok at ang amo nitong si Gani Cupcupin sa Malabon City, dahil halos lahat ng barangay sa nasabing lungsod ay may lamesa ng saklaan, maging ito ay saklang patay o puwesto piho.

Ito ay dahil sa bisa ng bendisyon umano ni ‘Triple One’ na sinasabing ‘Godfather’ ng mga gambling lord para makapag-o-operate ng kani-kanilang mga illegal na sugalan.

Karamihan umano sa mga kabataan o kaya may edad ay sugapa na sa pagsusugal na ayon sa mga residente ay nagtataka sila na hindi raw takot si Mario Bukbok sa tikas ni P/Sr. Supt. Cornelio Barios na nagpapalaki lang umano ng tiyan sa kanyang malamig na opisina at naghihintay ng kanyang ‘parating’.

“Paano kasi, si Barios ay sunud-sunuran lang umano kay ‘Triple One’, dahil baka sa bundok ng tralala siya pulutin kapag pinakialaman niya ang mga iligal sa Malabon,” ayon pa sa mga residente.

Ipinagmamalaki pa umano ni Bukbok na untouchable sila ng kanyang boss na si Gani Cupcupin, financier ng Saklaan at Jueteng kaya bale-wala sa kanila ang tatlong bulaklak sa balikat ni Barios.

Sinabi pa umano ng mag-among Bukbok at Cupcupin na kung hindi sa kanila ay hindi tataba ang kanilang bulsa at paglaki ng kanilang tiyan. Nararapat lang umano na suklian ng mga pulis ng proteksiyon sa kanilang iligal na aktibidades.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.