Operations Manager, Nasalisihan; P165-K at gamit, natangay

AABOT SA P165,000 ang natangay sa isang operations manager ng isang kumpanya sa GenSan matapos pasukin ng hindi kilalang magnanakaw ang kanyang bahay sa Agan Centro,Brgy. Lagao sa nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Lagao PNP, ang biktima ay nakilalang si Gino Laguerta.

Pinasok umano ang tahanan ng biktima sa pamamagitan ng pagsira ng screw ng grills at kinuha ang anim na plates ng jalousie at matagumpay na nakapasok ang suspek.

Natangay ang cash na P4,000, kasama ang tatlong cellphone na nagkakahalaga ng P13,500, laptop na P30,000, at mga alahas at iba pang mamahaling gamit na nagkakahalaga ng P115,000.

Napag-alamang pag-kagising ng biktima nawala na ang mga nabanggit na bagay kaya’t nag-report na lamang sa Lagao Police Station. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.