Operational funds ng mga tiwali sa AFP, ‘di dapat

HINDI DAPAT pagkalooban ng pondo ang mga unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dawit sa paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Rep. Antonio Tinio (Party-list, ACT Teachers), base sa karanasan, pinatutunayan na ang pagri-release o hindi ng operational fund sa operasyon ay isang mabisang instrumento para maisulong ang mga reporma at mabago ang kaugalian ng mga tao sa pamahalaan.

“Government should use every tool at its disposal to promote respect for human rights and end impunity, particularly by the military. The national budget is one such tool. My proposal introduces a “no impunity provision” in our laws, one that would link the release of operational funds of units of the AFP to their compliance with human rights standards,” ayon kay Tinio.

Base sa kanyang House Bill 449, hinihikayat ang AFP chain of command na tiyaking ang kanilang mga unit ay susunod sa mga karapatang pantao sa lahat ng panahon hinggil sa pagtupad sa kanilang tungkulin, lalo na sa counter-insurgency operations.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.