Operation Tuli sa Navotas

NAGLUNSAD ANG lungsod ng Navotas ng Operation Libre Tuli para sa mga kabataang lalaki na may edad 12 pataas at ito na rin ang kanilang pagkakataon na samantalahin habang bakasyon ang klase.

Ito ang pangatlong “Operation Tuli” sa ilalim ng pamumuno ni Navotas Mayor John Rey Tiangco. Ang

paglulunsad ng operation libreng tuli ay isang ligtas na operasyon para sa kanyang mga kababayan at maaaring magpalista sa kani-kanilang barangay.

Isang malaking tulong din ang nasabing operasyon para sa mga magulang na may mga anak na lalaking walang kakayanan o pambayad para sa pagpapatuli.

May anim na lugar na paggaganapan ng libreng tuli, ito ay sa mga sumusunod: Tanza Elementary School, Barangay Tanza (April 18, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); NBBN Health Center, Barangay North Bay Boulevard North (April 20, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); Daanghari Elementary School, Barangay Daanghari (April 24, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); Bagumbayan Elementary School, Barangay Bagumbayan (April 25, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); Rotary Club Navotas, C-4 Road, Barangay Bagumbayan North (April 26, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); San Rafael Village Elementary School, Barangay SRV (April 27, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); Tangos Elementary School, Barangay Tangos (May 3, 2012, 8:00 am – 2:00 pm); at Navotas Youth Center, Tumana, Barangay NBBS (May 11, 2012, 8:00 am – 2:00 pm).

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.