Operasyon vs Sulu Sultanate Army, Tinapos na ng Malaysia

INANUNSYO NG Malaysia na tapos na ang operasyon nito laban sa mga tagasuporta ng Sulu Sultanate na nagtungo sa Sabah noong Pebrero para igiit ang pagmamay-ari sa rehiyon.

Hindi bababa sa 68 Pinoy ang namatay sa bakbakan at 10 naman mula Malaysia.

Inihayag ni Sabah Chief Minister Musa Aman na tapos na ang operasyon para sugpuin ang mga nagpakilalang royal army ng Sulu Sultanate at mga nakikisimpatya rito.

Samantala, nagtayo ng security zone ang mga awtoridad sa coast line ng Sabah kung saan pumasok ang mga tagasuporta ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.

Sa ngayon, patuloy namang nakapiit ang ilang Pinoy na umano’y kasapi ng royal army at nahaharap sa kasong terorismo sa korte sa Malaysia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.