Operasyon ng VK sa Caloocan, masiglang-masigla

MASIGLANG-MASIGLA ANG operasyon ng video karera (VK) machine sa Caloocan City, dahil may basbas umano ng local na pamahalaan kaya hindi matinag-tinag ng pulisya.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Pinoy Parazzi, ang mga nag-o-operate ng VK sa nasabing lungsod umano ay isang nagngangalang Jane, isang Kenneth Chua, isang Callejas at isang Police Chief Insp. na nakatalaga sa Caloocan Police Station.

Ang mga VK machine ay makikita sa Brgy. 28, 35, 34, 33 at 43 ng Distict 2 at gayundin sa Distrito 1 sa nabanggit na lungsod.

Big time umano ang mga nabanggit na operator ng VK sa dahilang tumatabo ang mga ito ng malaking halaga ng pera kada araw ng walang kahirap-hirap.

Sinabi pa ng source, sa kabila ng pagkadismaya ng mga mamamayan sa mga nagkalat ng VK na siyang ugat ng kriminalidad ay wala si-lang magawa dahil hinahayaaan lang ng lokal na pamahalaan at maging ng kapulisan ang nasabing sugal.

Bukod umano sa mga nagkalat na VK, masigla rin umano ang operasyon ng Jueteng sa lungsod na may tatak na Marikina-Caloocan na ino-operate ng isang kilalang jueteng financier/ operator sa katauhan ni Tony “Bulok”Santos.

Idinagdag pa ng source, dalawang milyong piso ang hinatag umano ni Santos sa lokal na pamahalaan para sa operasyon ng kanyang pa-Jueteng bukod pa umano ang hinatag sa pulis.

Kahit hayagan ang ginagawang pangungubra ng mga kubrador ng taya sa kanilang mga mananaya ay hindi man lamang hinuhuli ng mga pulis bagkus ay nagsisitaya pa ang mga ito.

Bukod kay Santos, isa pang nagngangalang Ramirez ang nag-o-operate din ng Jueteng sa nasabing lungsod.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.