Operasyon ng militar kontra lawless elements, tuloy kahit undas

MAGPAPATULOY ANG OPERASYON ng tropa ng pamahalaan upang tugisin ang mga lawless elements kahit pa araw ng paggunita sa mga kaluluwa at patay.

Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, dapat mapanagot sa batas ang mga kriminal at walang humpay na pagtugis ang gagawin ng militar.

Bukod sa  Zamboanga Sibugay ay may hiwalay ring operasyon sa Basilan partikular sa Al-Barka, kung saan napatay ang 19 na sundalo.

Iwas-pusoy naman si  Gazmin na masagi ang MILF at idiniin na mga kriminal at hindi MILF ang puntirya ng pamahalaan.

Pangunahing concern din umano ng gobyerno ang human rights ng mga apektadong sibil-yan at tiniyak na in-placed ang mga meka-nismo para maibigay ang kinakailangang assist-ance. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.