Opensiba ng Militar vs NPA sa Isabela, Tigil Muna

TIGIL MUNA ang matinding opensiba na inilatag ng tropa ng militar laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa kabundukan ng Sierra Madre sa bayan ng San Mariano, Isabela dahil sa Suspension of Offensive Military Operations na idineklara ng pamahalaan noong Biyernes.

Sinabi ni Col. Miguel Puyao, tagapagsalita ng 5th Army Division sa bayan ng Gamu, Isabela na itinigil ng military ang patuloy na hot pursuit operations laban sa mga rebelde na tumambang sa mga sundalo noong Huwebes habang papunta ang mga ito sa isang civic activities sa Barangay San Jose. Nabatid na nasugatan sina Cpl. Joel Arce at Pfc. Joel Ibus sa naturang pananambang.

Matapos na makatanggap ng report na tinambang ang grupo ng mga sundalong ipinadala para magsagawa ng civic activities sa nabanggit na lugar, agad na nagpadala ng reinforcement si 5th Division Commander Brig. Gen. Rommel Gomez subalit pinabalik niya ang mga ito sa kanilang kampo sa Camp Upi matapos umiral ang ceasefire noong Biyernes.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.